Karnaper na pumatay pa sa biniktima, arestado
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - June 9, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nalambat ng pinagsanib na pwersa ng Manila Police District at Castillejos, Zambales Police ang isang wanted sa kasong pagpatay sa lalaking tinangayan niya ng motorsiklo  sa San Andres, Maynila noong nakalipas na taon.

Nakapiit sa MPD-station 6 ang suspek na si  Jefferson Latinazo, 28, na ibiniyahe mula sa Brgy. Magsaysay, Castillejos, Zambales  para sa kinasasangkutang kasong homicide at carnapping na naganap noong Disyembre 16, 2015.

Nabatid na may nakapagbigay ng impormasyon na nagtatago ang suspek sa nasabing lugar kaya tumulak ang mga operatiba ng MPD-Station 6 at nakipag-ugnayan sa Castillejos Police dala ang warrant of arrest ipinalabas ni  Presiding Judge Josefina Siscar ng Manila Regio­nal Trial Court Branch 55,

Sa ulat ni ni C/Insp. Dennis Gimena, biktima ni Latinazo ang isang   Carlito Tazarte Jr., 38,ng no. 2064 C Batangas Line San Andres Bukid, Maynila noong Dis. 6, 2015, kung saan pinatay pa ang biktima bago tina­ngay ang motorsiklo nito habang nasa panulukan ng Crisolita at Diamante sts. San Andres, Maynila. Henry Sayson Jr.,-trainee

BELO MEDICAL CLINIC INSTALIFT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with