Bading kinatay
Lordeth Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - June 5, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Isang transgender o bakla ang hinihinalang pinatay sa saksak ng kanyang live-in partner at inilagay sa maleta hanggang sa itinapon kahapon sa Pasay City.

Kinilala ang biktimang si Robert William Del Rosario Reilly at may pangalan ding John  Leo Tababa, 23, na nagtamo ito ng saksak sa leeg.

Nasa custody na ng pulisya ang suspect na si Jayson Santos Lee, may sapat na gulang. Pero sa kanyang passport ay Tsai Che Yu ang gamit na pangalan.

Ayon sa inisyal na report na natanggap ni Sr. Supt. Joel B. Doria, hepe ng Pasay City Po­lice, naganap ang in­siden­te alas-4:00 kahapon ng madaling-araw sa Unit 1154,Tower D, Shell Residences, EDSA Extension, Brgy. 76 ng naturang siyudad.

Nagro-roving sa 11th floor ng naturang condominium ang OIC na si Noli Manlolo nang mapansin niyang bahagyang bukas ang pinto ng naturang unit kaya kaagad nitong inalam at ilang beses itong tumawag kung may tao sa loob.

Subalit walang sumasagot sa tawag ni Manlolo kaya pumasok na ito sa loob at nagulantang siya nang ma-kita niya ang mga dugo sa  naturang unit.

Dahil dito, agad nitong ipinagbigay alam sa management ng naturang condominium at mga awtoridad.

Base sa kuha ng CCTV camera ng na-tu­rang condominium, alas-9:28 ng gabi ay puma-sok sa naturang unit ang tenant na si Lee at kasama nito ang  biktima.

Alas-10:58 ng gabi ng nasabi ring petsa ay lumabas ang dala­wa at muling bumalik ang mga ito ng unit na kanilang inuukupahan ng alas-11:40 ng gabi.

Alas-12:54 ng madaling araw, nagsimula nang mag-impake  si Lee at habang paalis ito ay halos hindi nito makayanang buhatin ang kanyang mga luggage bags  at hindi na nito  kasama si Tababa.

Kahapon ng alas-9:30 ng umaga natagpuan ang  bangkay ng biktima sa isang male-ta sa Coastal area, CAVITEX Bacoor City.

 

MONA LISA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with