^

Metro

Rider pisak sa truck

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pisak ang isang rider matapos pumailalim at magulu­ngan ang minamaneho nitong  motorsiklo ng isang trailer truck kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Dead on the spot ang biktimang si Edwin Nevado Sicuan,  49,  taga #22 Classic Homes Mangga St.,  Pilar Village,  Las Piñas City, nagtamo ito ng matinding pinsala sa ulo at katawan.

Nakakulong naman ngayon sa Pasay City Police Traffic Enforcement Unit ang driver ng truck na si Ariel Macadangdang Viloria,  26, binata, nakatira sa Alapan II-B,  Imus Cavite.

Base sa report na isinumite ni Sr. Insp. Wilfredo Sangel, chief ng Pasay City Traffic Enforcement Unit , naganap ang insidente alas-10:12 ng gabi sa Roxas Boulevard-Buendia Fly-over, southbound ng naturang lungsod. 

Habang binabagtas ang naturang lugar ng isang trailer truck na may plakang RJA-694, na minamaneho ni Viloria, hindi nito namalayan na nahagip nito ang isang motorsiklo na minamaneho ni Sicuan.

Dahil sa lakas ng impact, pumailalim ang motorsiklo hanggang magulungan ang ulo ni Sicuan, na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Ayon sa motoristang  nakasaksi sa insidente na  si Mario De Guzman Rivera, 31,  ng #37 Aguilar St. San Jose Del Monte,  Quezon City, hinabol niya ang driver na si Viloria upang pagsabihan na nakasagasa ito.

Subalit, sa halip na tumigil ay mabilis na tumakas si Viloria, na kaagad namang inalarma ang minamaneho nitong trailer truck.

Kung saan namataan ang minamanehong trailer truck ni Viloria ng mga enforcer ng Pasay at Parañaque City at hinabol nila ang naturang suspect hanggang sa nasakote ito.

Si Viloria ay nahaharap sa kasong Reckless Imprudence resulting to Homicide at Damag­e to Property.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with