^

Metro

Sobrang depresyon, vendor nagbigti

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Posibleng sobrang depresyon ang nagtulak sa 45-anyos na vendor upang magbigti kahapon sa Taguig City.

Kinilala ang nasawi na si Ariel Bautista, 45, taga PNR Site, Purok 9, Brgy. Western Bicutan ng naturang lungsod.

Sa report na natang­gap ni Sr. Supt. Ramil Ramirez, hepe ng Pa­say City Police, alas-8:30 ng umaga nang matagpuan ang biktima na nakatali ang leeg ng nylon cord at nakabigti sa loob ng tinitirhan nito sa naturang lugar ng kapitbahay nitong si Antonio Honrado, 57.

Ayon kay Honrado, ibibigay niya rito ang bill ng kuryente at ng buksan niya ang pintuan ng bahay ng biktima ay tumambad sa kanya ang nakabigting bangkay.
Isa sa mga teorya ng pulisya, posibleng na-depressed ang biktima dahilan upang kitlin nito ang sariling buhay.

ANDI EIGENMANN

CANNES

JACLYN JOSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with