Notoryus na holdaper, utas sa kalabang grupo
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga pinaniniwalaang miyembro ng kalabang grupo ang notoryus na holdaper kamakalawa sa Ma-labon City.

Nakilala ang nasawi na si Elmer Gaspar, 28-anyos, at residente ng Purok-6 Hernandez Street, Brgy. Catmon, Malabon City.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-11 ng gabi sa bahay ng biktima habang  natutulog ito kasama ang live-in partner nito nang may tumawag sa kanya mula sa labas.

Tinungo ni Gaspar  ang labas ngunit dito na siya pinagbabaril ng hindi nakilalang salarin. Agad na lumabas ang partner ng biktima at nakita si Gaspar na duguang nakabulagta sa sementong sahig.

Nabatid buhat sa kapatid ng biktima na si Elena na nakulong ang biktima  noong nakaraang taon dahil sa kasong robbery hold-up sa Navotas City ngunit nakalaya makaraang makapagpiyansa.  Miyembro rin umano ang biktima ng isang grupo ng mga holdaper sa pamumuno ng isang alyas “Jake” na napatay naman ng kalaban nilang grupong “Bulabog Gang”.

LEADERS PRODUCTION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with