Cancer patient nagbaril sa sarili
Angie dela Cruz, (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Inunahan na ng isang ginang na wakasan ang kanyang buhay matapos itong magbaril sa sarili dahil sa sakit na cancer na matagal na nitong iniinda kamakalawa sa Pasay City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Armida Quia­chon, 42, nakatira sa Block-71, Lot-10,12, 17th St. Villamor Airbase ng na-turang lungsod, nagtamo ito ng tama ng bala ng kalibre .45 baril sa kanang pisngi.

Base sa report na isinumite ni Chief Inspector Rolando Baula, chief ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) kay Sr. Supt. Joel B. Doria, hepe ng Pasay City Police, naganap ang insidente sa loob ng bahay   ng biktima sa naturang lugar.

Nabatid, na katatapos lamang kumain ng pananghalian ang ginang at pagkatapos ay pumasok ito sa loob ng kuwarto nilang mag-asawa na nasa ikalawang palapag.

Pagsapit ng ala-1:00 ng hapon habang kumakain ang mister ng biktima na si Jonos  Quiachon ay nakarinig ito ng putok ng baril mula sa kanilang kuwarto.

Kung kaya’t nagmamadaling nagtungo ang mister sa kanilang kuwarto at winasak pa nito ang pintuan upang makapasok dito.

Laking gulat ni Jonos nang tumambad sa kanya ang duguang misis at wala ng buhay dahil sa tama ng bala sa kanang pisngi.

Kaagad na ipinagbigay alam ng kanyang mister sa mga kaanak ang insidente at ini-report ito sa mga awtoridad.

Narekober ng Scene of the Crime Office (SOCO) ng Southern Police District (SPD) sa tabi ng bangkay ng biktima ang isang kalibre .45 baril, ilang piraso ng mga bala at suicide note na nakasaad ang pamamaalam ng  biktima.

Napag-alaman na ang  biktima ay may sakit sa uterus at mayroon din itong sleeping disorder. Nabatid pa sa pulisya, hindi na uma­no makayanan ng ginang ang sakit nitong cancer.

Ang bangkay ng biktima ay nakalagak ngayon sa Veronica Funeral Parlor at isasailalim ito sa autopsy.

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE PRESIDENT AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with