Hubad na bebot, isinilid sa drum, itinapon sa ilog
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - April 8, 2016 - 10:00am

MANILA, Philippines - Isang hubad na bangkay ng babae na nakagapos ang mga kamay, napupuluputan ng packa-ging tape ang mukha, may nakakabit na nylon na lubid sa leeg, at markado ng mga pasa ang likod ang natagpuang nakasilid sa isang kulay blue na drum na lumutang sa Pasig river sa bahagi ng Ermita sa Maynila, kahapon.

Inilarawan ang biktima sa edad na 45-55, balingkinitan, maputi, shoulder length ang buhok.

Sa ulat ni SPO2 Jona-than Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-12:00 ng hapon kahapon nang mamataan nina Ricky Mamucod at Nathaniel Silva, kapwa ferry assistant sa MMDA Escolta Ferry Station ang lumulutang na drum dakong alas-12 ng tanghali.

Nang ipaalam sa nag­papatrulyang miyembro ng Philippine Coast Guard  (PCG)  ay hinila ang drum sa kabilang bahagi ng ilog sa likod ng Philippine Postal Corporation at doon nakita ang mga tipak ng bato na nakapasak sa butas ng drum at doon din nasilip ang bangkay ng babae na nakabaluktot.

Hinihinalang may ilang araw nang patay ang biktima dahil na­ma­ma­­ga na ang katawan at hin­di na rin makilala ang muk­ha.

Dinala ang bangkay sa Saint Rich Funeral Ser-vices para sa awtopsiya at safe keeping.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with