Maynila nagtala ng sunog sa unang araw ng Fire Prevention Month
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Unang araw ng Fire Prevention Month ay nakapagtala ang Maynila ng sunog sa Quiapo, Maynila, kamaka-lawa ng gabi,

Umakyat sa Task Force Charlie ang sunog na nagsimula alas 7:05 ng gabi at idineklarang fire under control dakong 9:18 ng gabi at alas 4:05 ng madaling araw nang ideklarang fire out.

Nabatid na ang ikalawang palapag ng two-storey building ang pinagmulan ng sunog na pag-aari ng isang Lydia Cochoa, na may 24 na paupahang kuwarto sa Arlegui sa no. 989 panulukan ng C. Aguila Sts.

Walang naitalang nasawi pero isang fire volunteer na nakilalang si Jason Rutsuela ang sinasabing nagtamo ng bahagyang sugat sa kanang kilay.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy, na tumupok sa tinatayang P2 milyong halaga ng mga ari-arian at nagresulta para mawalan ng tahanan ang tinatayang may 60 pamilya.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with