^

Metro

P50,000 pabuya sa killer ng mga pusa

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nag-alok kahapon ng halagang P50,000 pabuya  ang People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) Asia sa sinumang makakapagturo sa mga taong sangkot sa pagpas­lang sa mga pusa sa Makati City.

Ayon sa PETA, nabatid, na simula noong Enero 13 ng taong kasalukuyan, nasa 12 pusa ang iniulat na nawala at natagpuang brutal na  pinatay sa Dasmariñas Village  sa lungsod.

Base sa nilabas na circular ng pamunuan ng naturang village, ang mga pusa ay unti-unting pinapatay sa pamamagitan ng pagsunog dito gamit ang isang uri ng kemikal tulad ng paint thinner.

Kung kaya’t tiniyak ng management at security group ng village, na paiimbestigahan nito ang incident.

“Animal abusers are a danger to everyone: They take their issues out on whomever is available to them, human or nonhuman, and must be caught before they act again. We’re appealing to anyone with information about those responsible for these cruel crimes to come forward now so that the perpetrator or perpetrators can be prosecuted to the fullest extent of the law”,  ani Jason Baker, PETA Asia Vice President for International Operations.

Dahil sa insidente, nag-alok ang naturang grupo ng halagang P50,000.00 sa sinumang makakapagturo sa mga taong responsable dito.

Ayon sa animal rights organization, base sa batas ipinagbabawal ang pagmamalupit at pagpatay sa mga hayop, na ang sinumang lumabag dito ay papatawan ng parusang paglabag sa Animal Welfare Act of 1998 as amended by Republic Act No. 10631, na may tatlong taong pagkakakulong at may multang hanggang P250,000.00.

Ayon sa PETA, tawagan ang kanilang hotline na ang numero ay 0999-888-7382 para ireport sa kanilang tanggapan ang pang-aabuso sa mga hayop.

ACIRC

ANG

ANIMAL WELFARE ACT

ASIA VICE PRESIDENT

ATILDE

AYON

ETHICAL TREATMENT OF ANIMALS

INTERNATIONAL OPERATIONS

JASON BAKER

MAKATI CITY

REPUBLIC ACT NO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with