Pagbabayad ng tax gagawing on-line
Doris Franche-Borja (Pilipino Star Ngayon) - February 2, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Gagawin nang on-line ang pagbabayad ng buwis upang mawala ang korap­syon. Ito ang plano ni 5th District Congressman Amado Bagatsing sakaling mahalal siya na alkalde ng Maynila sa  Mayo.

Ayon kay Bagatsing, unti-unting mareresolba ang  problema sa korapsyon kung sa banko na lang magbabayad ng real property tax at business tax dahil walang empleyado ng city hall na tatanggap ng bayad.

Paliwanag ni Bagatsing, mahigpit nilang ipatutupad ang  ‘full transparency’ dahil lugmok na ang  Maynila sa korapsiyon at pagkarumi. Alam niyang  nangangailangan ang lungsod ng bagong mukha.

Panahon na aniya upang linisin ang lungsod lalo na sa red tape at korapsyon. Aniya, dito makikita kung sino ang may mga may penalty o  hindi nagbabayad ng  buwis.

Binigyan diin ni Bagat­sing­­ na ibabalik nila sa dati ang si­ngil sa real property at business tax kung saan magsasagawa ng consultation sa iba’t ibang sector.

“Serbisyo hindi perwisyo” ani Bagatsing.

Titiyakin din nito  na ang lahat ng mga dapat na singilin ay makukulektahan ng buwis na naaayon sa batas. Kabilang na dito ang  paniningil sa Intramuros Administration at ang mga pantalan na nasa lungsod.

ACIRC ALAM ANG ANIYA AYON BAGAT BAGATSING DISTRICT CONGRESSMAN AMADO BAGATSING INTRAMUROS ADMINISTRATION MAYNILA NBSP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with