Nawawalang UP student, umuwi na
(Pilipino Star Ngayon) - February 2, 2016 - 3:44am

MANILA, Philippines – Makalipas ang tatlong linggo, nakauwi na ang unang naiulat na nawawalang estudyante ng  University of the Philippines.

Kinumpirma ni UP Diliman Chancellor Michael Tan na nakauwi na si freshman engineering student Ian Jasper Calalang sa kaniyang bahay sa Cainta, Rizal.

"UP is relieved he returned home safety," mensahe ni Tan sa STAR.

Hindi na ipinalaam pa kung ano ang nangyari sa estudyante na kumalat ang larawan sa social media matapos mawala.

Sa ulat ng The Philippine Collegian, ang student publication ng UP, sinabi ng pamilya ni Calalang na ligtas ang kanilang anak at ipinalaam na sa pulisya ang pag-uwi niya.

Nawala ang freshman student noong Enero 12, araw ng enrollment para sa ikalawang semestre ng UP.

 

ANG CAINTA CALALANG DILIMAN CHANCELLOR MICHAEL TAN ENERO IAN JASPER CALALANG KINUMPIRMA MAKALIPAS NAWALA PHILIPPINE COLLEGIAN UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with