^

Metro

Airport screener kinasuhan sa smuggling

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinampahan ng kaso ang isang airport screener matapos itong mabukong nakipagsabwatan diumano para maipuslit palabas ng bansa ang may 47 pirasong iba’t ibang uri ng mga exo­tic animals na inilagay sa limang kahon ng styrofoam na nakasulat pang aquatic plants papuntang Japan.
Ayon sa ulat, isang Gerald Bravo, ng Office for Transportation Security (OTS), ang sinasabing suspek sa pagpupuslit diumano ng 11 tarsiers, 11 snakes, 11 monitor lizards, 8 sailfin lizards at kuwago.

Sinasabi sa report, si Bra­vo pa diumano ang nag-proseso ng mga dokumento ng mga hayop sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa isang Shoji Masuyama ng Japan.

Samantala, si Bravo ay sinasabing lumabag sa ‘wildlife laws’ sa ilalim ng Republic Act 9147 at may apat na taong pagkakakulong.

Nauna rito, ilang kasapi sa OTS na rin ang kinasuhan ng NBI dahil sa modus operandi na ‘laglag-bala’ extortion scam at ngayon ay sabit na naman ang airport screener sa diumano’y smuggling.

ACIRC

ANG

AYON

GERALD BRAVO

NAUNA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

REPUBLIC ACT

SAMANTALA

SHOJI MASUYAMA

SINAMPAHAN

TRANSPORTATION SECURITY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with