Amerikano nabagsakan ng gypsum board sa NAIA
Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - January 28, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Nasaktan ang isang 30-anyos na American national matapos itong mabagsakan ng gypsum board mula sa kisame ng isang restaurant sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3, kahapon ng umaga.

Nakilala ang pasahero na isang Day Adam Warner,  na nagtamo ng mga gasgas sa kanang braso nang bumagsak ito sa kanya.

Ayon sa ulat, nag-aalmusal si Warner at pamilya nito sa Sweet ­Ideas restaurant sa may pre-departure area habang inaantay ang kanilang flight papuntang US via Tokyo, Japan, ng mangyari ang aksidente bandang alas -7 ng umaga.

Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ukol sa pangyayari, samantalang pansamantala namang isinara ang nasabing restaurant.

 

ACIRC ANG AREA AYON DAY ADAM WARNER ISANG NAKILALA NASAKTAN NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT PATULOY RESTAURANT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with