^

2 ‘tulak’ huli sa drug bust

Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - January 27, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Dalawang lalaki na sangkot sa pagtutulak ng shabu ang naaresto ng awtoridad matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Cubao, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni PO2 Richie Ga­erlan ng Quezon City Police Statin 7, nakilala ang mga suspect na sina Amado Eugenio, 46, at Rudy Barbolla, 50, binata; kapwa residente ng  Brgy. San Roque, Cubao.

Base sa pagsisiyasat ni Gaerlan, nangyari ang operas­yon sa mismong tinutuluyan ng mga suspect, ganap na alas-12:30 ng madaling araw.

Bago ito, nagsagawa ang mga operatiba sa pangu­nguna ni P/Senior Insp. Mario Manipon ng surveillance laban sa mga suspect dahil sa ulat na iligal na aktibidad ng mga ito sa kanilang lugar.

Nang mag-positibo, agad na pinlano ang buy-bust ope­ration kung saan isang pulis ang nagpanggap na bibili ng halagang P200 shabu sa mga suspect, na nagresulta sa nasabing pagkaka-aresto.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang comprehensive dangerous drug act of 2002 ang kinakaharap ngayon ng mga suspect.

 

ACIRC AMADO EUGENIO ANG CUBAO MARIO MANIPON MGA QUEZON CITY QUEZON CITY POLICE STATIN REPUBLIC ACT RICHIE GA RUDY BARBOLLA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with