Motorsiklo salpok sa dump truck: Rider patay
Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Patay ang isang motorcycle rider habang malubhang nasugatan naman ang kanyang angkas makaraang makasalpukan nito ang isang dump truck sa may Aurora Boulevard, Cubao, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Traffic Sector 4 (QCPDTS4) ang nasawi ay nakilalang si James Peter Marcelo, 26, binata ng Dagat-dagatan, Navotas City, habang ang sugatang angkas nito ay nakilala namang si Jay Jerome Redoble, 26, binata ng Tondo Manila.

Base sa pagsisiyasat ng TS4, ang driver ng naka­banggaan nito ay nakilalang si Dante Borbe, 49, ng McArthur Highway, Malanday, Valenzuela City.

Nangyari ang insidente sa may intersection ng  Aurora­ Boulevard at Balete Drive, Brgy. Mariana, sa lungsod, ganap na ala-1 ng madaling araw.

Sinasabing binabaybay ng dump truck na minamaneho ni Borbe ang kahabaan ng Balete Drive galing sa direksyon ng N. Domingo St., patungong E. Rod­riguez Senior Avenue, nang papatawid na ito sa Aurora Boulevard, ay biglang sumulpot ang Honda motorcycle (8175-PV) na patawid naman ng Balete Drive galing sa direksyon ng  Edsa patungong G. Araneta Avenue kung saan nagkasalpukan ang mga ito.

Dahil sa tindi ng pagkakasalpok, tumilapon ang mga sakay ng motorsiklo na sanhi upang magtamo ang mga ito ng matinding injuries sa kanilang mga katawan partikular si Marcelo na hindi na umabot pang buhay sa pagamutan.

Samantala, ayon sa isang saksi, mabilis umano ang takbo ng motorsiklo dahil hinahabol nito ang traffic lights, subalit bumangga ito sa nasabing truck.

ACIRC ANG ARANETA AVENUE AURORA BOULEVARD DANTE BORBE DOMINGO ST. JAMES PETER MARCELO JAY JEROME REDOBLE NAVOTAS CITY QUEZON CITY QUEZON CITY POLICE DISTRICT-TRAFFIC SECTOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with