Gantihan ng 2 pamilya: 2 tumba
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Patay ang isang 57-anyos na lalaki  nang pagtulungang saksakin ng magkakapatid na kapitbahay na rumesbak umano matapos malaman na binawian ng buhay ang kanilang kapamilya na sinaksak naman ng anak ng biktima sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Cen­ter (JRMMC) ang biktimang si Henry Navarro, residente ng Yakal St, Tondo, Maynila

Gayunman, agad namang nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isa sa tatlong suspek na kinilalang si Joana Panaligan, 35,  ng naturang lugar at kasalukuyang nakapiit sa MPD-Homicide Section. Ipinagharap na ito ng kasong murder sa Manila Prosecutor’s Office.

Pinaghahanap naman ang dalawa pang suspek na kinilalang sina Ronald Pedroza, 40 at Annalot Pe­droza, 32, tomboy, na kapwa residente rin ng lugar.

Sa ulat ni PO3 Joseph Ka­bigting, dakong alas-9:45 ng umaga nang maganap ang insidente sa panulukan ng Ya-kal at Villaruel Sts., sa Tondo.

Batay umano sa kuha ng closed circuit television (CCTV) nang nakasasakop na barangay papalabas ng bahay ang biktima nang hilahin ng tomboy na suspek at kapatid na lalaki saka ito pinaggugulpi . Sa puntong ito lumapit na umano si Joanna na may hawak na patalim at sinaksak ng ilang ulit sa likod ang biktima habang ang tomboy umano ay nakakuha ng kutsilyo sa karinderyang nasa tabi nila na ipinangsaksak din  sa biktima.

Nang dumating ang mga pulis  ay inabutan pa ang suspek na si Joanna sa kaniyang bahay, kasama ang 5 maliliit na anak.

Nag-ugat ang nasabing patayan sa insidente noong Enero 18, 2016 kung saan nakaaway umano ni Joanna ang isang Rex Bragaiz, 35  na kapitbahay dahil sa ingay ng inuman sa labas ng bahay.

Pinalo ng tubo si Joanna ni Bragaiz kaya sumaklolo ang mister nito na si Regino Panaligan, 45, na nakita naman ng live-in partner ni Bragaiz na si Hennelyn Navarro kaya hinarang ito at sinaksak.

Naospital man ay naka- uwi ng bahay si Joanna ha­bang si Regino ay may ilang araw na nilapatan ng lunas   sa JRMMC subalit pumanaw din kamakalawa ng gabi.

Nang dahil sa pagpanaw ng asawa, hindi naman ito makaganti sa mag-asawang suspek na sina Bragaiz at Navarro  na  nakapiit na sa MPD-station 2, at nahaharap din sa kasong murder kaugnay sa pagkamatay ni Panaligan.

Sa halip, ang ginantihan ay ang biktimang si Henry na ama ni Hennelyn Navarro.

Nang malaman naman ni Hennelyn ang nangyari kahapon sa ama ay hinimatay ito sa loob ng piitan.

ACIRC ANG ANNALOT PE BRAGAIZ HENNELYN NAVARRO HENRY NAVARRO HOMICIDE SECTION JOANA PANALIGAN JOANNA NANG NBSP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with