Konsehal ng Malabon patay sa ambush!

Angie dela Cruz, (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Sa kabila nang pinatutupad na Comelec gun ban, patay ang isang konsehal nang tambangan ito ng dalawang hindi pa nakikilalang motorcycle riding-in-tandem sa mismong harapan ng bahay nito sa Ma­labon City. kahapon ng hapon.

Dead-on-arrival sa Manila Central University (MCU) Hospital ang biktimang si Malabon City 2nd District Councilor Merlin “Tiger” Mañalac. Nagtamo ito ng ilang tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek at nagsasagawa na ng follow-up hinggil sa insidente.

Sa report ng Malabon City Police, naganap ang insi­dente alas-4:04 kahapon ng hapon sa harapan ng bahay ng biktima sa Aktibidad St., Barangay Tenejeros ng naturang lungsod.

Nabatid na palabas na sa kanilang tahanan ang konsehal at patungo sana sa isang pagtitipon sa Barangay Acacia nang dumating ang dalawang suspek na armado ng baril at sunud-sunod na pinaputukan ito.

Ilang mga testigo ang nagsabi sa pulisya na bukod sa dalawang salarin, may mga nagsilbi ring lookout ang mga suspek nang maganap ang pananambang.

Ayon kay Bong Padua, tagapagsalita ni Malabon City Mayor Lenlen Oreta, magsasalita sana sa gaganaping pagtitipon ng Pusong Malabon sa pangunguna ng alkalde si Mañalac bago dadalo sa panibagong caucus ng Li­beral Party nang mangyari ang pananambang.

Si Manalac ay nasa ikalawang termino pa lamang bilang konsehal ng ikalawang distrito matapos siyang huma­lili sa napaslang ding kapatid.

Anak siya ni Alfonso “Bo­yong” Mañalac, ang tinaguriang hoodlum terminator ng Malabon na dati ring isang opisyal ng pulis bago naging konsehal ng lungsod.

Iniimbestigahan na ng pulisya kung may kinalaman sa pulitika ang naganap na pamamaslang sa naturang konsehal.

ACIRC AKTIBIDAD ST. ANG ATILDE BARANGAY ACACIA BARANGAY TENEJEROS BONG PADUA DISTRICT COUNCILOR MERLIN MALABON CITY MALABON CITY MAYOR LENLEN ORETA MALABON CITY POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with