^

Mister nagbigti sa flyover

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Hindi matanggap ng isang mister na iniwan na siya ng kanyang misis, kaya minabuti na lamang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa ilalim ng flyover sa Pasig City, kahapon ng madaling-araw.

Nakilala lamang ang nasawi sa pangalang Eric, isang scavenger sa Ortigas Ave. Brgy. Ugong, Pasig City.

Nabatid na dakong alas-2:00 ng madaling-araw nang ma­diskubre ni Michael Uga-yon, 33, isa ring scavenger ang biktima na nakabigti sa ilalim ng flyover.

Ayon kay Ugayon, mula nang iwan ang biktima ng kanyang misis na sumama sa ibang lalaki ay naging malungkutin na ito, tulala at malayo ang iniisip.

Sinabi ni Ugayon, marahil ay hindi matanggap ng biktima ang pag-iwan sa kanya ng kanyang misis kaya ito nagpakamatay sa pamama­gitan ng pagbigti gamit ang straw na itinali sa kanyang leeg at railling ng flyover.

Nakakuha rin ang mga tauhan ng SOCO ng kapirasong papel na sulat kamay ng biktima na may katagang...LOVE, LOVE, LOVE.

Sumasailalim ngayon sa awtopsiya ang bangkay ng biktima upang mabatid kung may foul play sa pagkamatay nito.

 

ACIRC ANG AYON BRGY MICHAEL UGA NABATID NAKAKUHA NBSP ORTIGAS AVE PASIG CITY UGAYON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with