Kelot tinodas sa loob ng videoke bar

Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Patay ang isang 40-anyos na lalaki makaraang pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang suspect matapos magsumbong ang kasamang babae ng huli  sa loob ng  isang  videoke bar  kahapon ng madaling araw sa  Quezon City.

Sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit, kinilala ang  biktima na si Florante Morales, ng Mabini  St., Forbes Tondo, Pangasinan. Mabilis namang tumakas ang salarin kasama ang isang babae.

Sa imbestigasyon ni PO2 Jogene Hernandez, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa isang videoke bar sa Austria St., Novaliches, ganap na alas 12:30 ng madaling araw.

Lumilitaw na kapwa customer  ang biktima at mga suspect sa nasabing bar at magkahiwalay na umiinom sa magkabilang mesa.

Ayon sa isang saksi, bago ang insidente, nakita umano nito ang mga suspect na nagbayad ng kanilang bill at matapos nito ay tinanong ng lalaking suspect ang kasamang babae kung sino ang nambastos sa kanya at ituro ito.

Mula sa kinauupuan ng biktima sa isang mesa kasama ang iba pa ay itinuro umano ng babae ang una dahilan para lapitan siya ng suspect at saksakin sa leeg, saka mabilis na tumakas.

Isinugod ang duguang biktima ng kanyang mga kasamahan sa Hope General Hospital, subalit idineklara din itong dead on arrival.

ANG AUSTRIA ST. AYON FLORANTE MORALES FORBES TONDO HOPE GENERAL HOSPITAL ISANG JOGENE HERNANDEZ NBSP QUEZON CITY QUEZON CITY POLICE DISTRICT CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with