Pedestrian patay, 1 sugatan sa hit and run
Angie dela Cruz, (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Patay ang isang pedestrian at malubha namang nasugatan ang isa pa nang ma-hit and run-ang mga ito matapos bumaba mula sa isang pampasaherong jeep kahapon ng umaga sa Parañaque City.

Dead on the spot ang biktima na nakilala sa pama­magitan ng ID nito na si Archie Gatacilo, taga Imus, Cavite, na nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan.

Ginagamot naman sa Parañaque Medical Center ang isa pang biktima na si Maria Palma, taga-Bacoor City, na nagtamo rin ng pinsala sa katawan.

Inaalam pa ng pulisya kung anong sasakyan ang nakasagasa sa mga biktima at nagsasagawa pa ng follow-up hinggil dito.

Ayon sa report ng Parañaque City Traffic Bureau, naganap ang insidente alas-6:00 ng umaga sa kahabaan ng Roxas Boulevard, Westbound, Brgy.Tambo ng naturang lungsod.

Nabatid sa ilang nakakita, na magkasunod na bumaba mula sa isang pampasaherong jeep ang mga biktima mismo sa gitna ng kalsada.

Kung saan paparating naman ang isang humaharurot na hindi pa mabatid na sasakyan hanggang sa nasalpok ang mga biktima.

Dito na nakitang kapwa duguan ang dalawa, subalit si Gatacilo ay kaagad na binawian ng buhay, samantalang si Palma ay mabilis na dinala ng Parañaque City Rescue Team sa nabanggit na ospital

Panawagan ng pulisya sa driver na nakasagasa sa mga biktima, na lumitaw na ito upang panagutan ang naturang aksidente. 

ACIRC ANG ARCHIE GATACILO ATILDE AYON BACOOR CITY CITY RESCUE TEAM CITY TRAFFIC BUREAU MARIA PALMA MEDICAL CENTER ROXAS BOULEVARD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with