_ngayon
^

Metro

Vendor lasog sa trailer truck

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang babaeng street vendor nang mabali ang leeg at malasog pa ang katawan matapos pumailalim sa apat na gulong ng rumaragasang trailer truck  sa panulukan ng Padre Burgos St. at Katigbak Drive  sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot ng biktimang si Josefina Gadjani, 50, nagtitinda ng mineral water sa kalye at residente ng Batasan Hills, Quezon City.

Nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide ang driver ng trailer truck na may plakang RMU 208 na si Allan Laggui, na kusang sumuko sa pulisya matapos ang insidente.

Sa impormasyon mula kay PO3 Junjun Jasmines, ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) , naganap ang insidente dakong  alas-11:00 ng gabi  sa P. Burgos  St., malapit sa Katigbak Drive.

Sinabi ng suspek na pakaliwa siya sa P.Burgos St. mula sa Bonifacio Drive nang hindi mapuna ang biktima na nahagip niya. Nagsigawan ang mga nakakita kaya siya napahinto.

Sa impormasyon, ang ginang at mga kaanak nito ay nabubuhay sa pagtitinda sa kalye at nang mangyari umano iyon ay nakainom ito ng alak dahil problemado sa pamilya at sa pera.  Ludy Bermudo with trainees Angel Natalio at Andrea Abello

ALLAN LAGGUI ANDREA ABELLO ANG ANGEL NATALIO BATASAN HILLS BURGOS ST. JOSEFINA GADJANI JUNJUN JASMINES LUDY BERMUDO MANILA DISTRICT TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT PADRE BURGOS ST.
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with