Nagbenta ng kidney, natagpuang patay
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - January 10, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Natagpuang patay ang isang babaeng pulubi na may sakit dahil sa pagbebenta ng isa nitong kidney, sa bangketa ng Ermita, Maynila, kahapon ng hapon.

Base sa nakuhang mga dokumento at medical certificate sa biktimang si Emily Tagadigon, tubong Tibungco, Davao City na palaboy sa lungsod, na-diagnose ito ng Rizal Medical Center Social Work Service sa Pasig City na may sakit sa kidney.

Dakong alas-12:00 ng hapon kahapon nang madiskubreng walang buhay ang biktima sa bangketa ng Ro­mualdez St., malapit sa Petron Gas station sa United Nations Avenue, Ermita.

Sa imbestigasyon ni PO3 Bernardo Cayabyab ng Manila Police District-Homicide Section, nakita na lamang ng kapwa scavenger na si Ronnie De Vera ang biktima na hindi na gumagalaw.

Sinasabing dati nang nagbenta ng kidney ang biktima.

ACIRC BERNARDO CAYABYAB DAVAO CITY EMILY TAGADIGON ERMITA MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION PASIG CITY PETRON GAS RIZAL MEDICAL CENTER SOCIAL WORK SERVICE RONNIE DE VERA UNITED NATIONS AVENUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with