Killer ng brgy. chairman, timbog
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - January 8, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Isa sa tatlong nagsabwatang killer ni Brgy. Chairman Oliver Franco ng Sta. Cruz, Maynila ang nadakip ng Manila Police District (MPD) sa isinagawang operasyon, kamakalawa ng hapon.

Nakapiit na sa MPD-Ho­micide Section ang suspek na kinilalang si Rogelio Villamor alyas Matar, 39, residente ng Lico St., Tondo na sinasabing miyembro ng ‘Burgos gang’.

Sa ulat, dakong ala-1:00 ng hapon ng Enero 7, nang tunguhin ng mga tauhan ng Homicide Section sa pangu­nguna ng kanilang hepe na si Senior Insp. Rommel Anicete ang erya kung saan nakatira ang suspek dala ang warrant of arrest na inisyu ni Manila Regional Trial Court Branch 11 Hon. Judge Cicero Jurado Jr. kaugnay sa kasong murder.

Si Villamor ay isa lamang sa itinuturong suspek sa pagpaslang kay Chairman Franco, ng Brgy. 349, Zone 53, residente ng no. 1772 Antipolo St., Sta. Cruz, May­nila noong Marso 6, 2015 habang ito’y nagpapa­kain ng alagang ibon at manok sa kaniyang itina­yong Farmville sa gilid ng riles ng Philippine National Rail­ways (PNR) Blumentritt sta­tion.

Sinabi ni PO3 Michael Maraggun, may hawak ng kaso, na mismong ang pa­­milya ng biktima ang tumawag sa kanilang tanggapan at nagbigay ng impormasyon hinggil sa paglutang ng suspek sa lugar.

Nabatid sa hiwalay na  impormasyon na posibleng may bahid pulitika ang kaso dahil ikinanta na diumano ang pagkakasangkot ng da­­lawang kapwa barangay chairman sa Sta. Cruz, Maynila sa krimen o nasa likod ng pagpapapatay.

Bukod umano kay Chairman Franco, may dalawa pang punong barangay din ang kasunod sanang itutumba ng ‘Burgos group’ sa halagang P30,000 kada ulo.

ACIRC ANG ANTIPOLO ST. BRGY BURGOS CHAIRMAN FRANCO CHAIRMAN OLIVER FRANCO CRUZ HOMICIDE SECTION JUDGE CICERO JURADO JR. SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with