Mag-ama niratrat sa inuman ng kagawad, todas

Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - December 31, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Nauwi sa karahasan ang pag­haharap sa inuman ng isang mag-ama makaraang pagbabarilin ang mga ito at mapatay ng isang barangay kagawad sa lungsod Quezon kaha­pon ng madaling-araw.

Sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit, ang mga nasawi ay kinilalang sina Raymund Deanon y Macavinta, 45, at Rodney Deanon y Macavinta Sr., 69  ng no. 2 Baloy St., Brgy Santol sa lungsod.

Ang suspect na nakilala base sa staff ng Barangay Santol na ayaw magpabanggit ng pangalan ay si Anacleto de Torre na agad na tumakas matapos ang krimen at ngayon ay tinutugis na ng awtoridad

Sa inisyal na pagsisiyasat, nangyari ang insidente sa may harap ng bahay ng mga biktima, ilang hakbang lang ang layo sa barangay hall ganap na alas-5 ng madaling araw.

Bago ito, nag-iinuman ang mag-ama sa lugar nang kalaunan ay nagkaroon ang mga ito ng pagtatalo. Sa gitna ng pagtatalo ay biglang lumabas ng barangay hall ang suspect saka pinagbabaril ang mga biktima, bago tuluyang tumakas sakay ng isang motorsiklo.

Agad itinakbo ng mga opisyal ng barangay ang mga biktima sa UERM hospital pero idineklarang dead on arrival si Raymund ganap na alas 7:15 ng umaga.

Alas 8:35  ng umaga naman ng ideklarang patay si Rodney.

Sinasabing naingayan umano ang suspect sa mag-ama na ugat ng pamamaril bagay na  iniimbestigahan ngayon ng otoridad.

ACIRC ANACLETO ANG BALOY ST. BARANGAY SANTOL BRGY SANTOL MACAVINTA SR. MGA QUEZON CITY POLICE DISTRICT CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT RAYMUND DEANON RODNEY DEANON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with