Electrician sugatan sa stray bullet

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - December 29, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Sugatan ang isang 50- anyos na electrician nang tamaan ng ligaw na bala sa binti habang nanonood ng mga batang nagpapaputok  sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Ernesto Masquite, ng Oreste Alvarez Ext. Tondo, Maynila.

Inaalam pa kung sino ang responsable sa pagpapaputok upang masampahan ng kaukulang reklamo.

Sa ulat ni SP03 Paul Vi­­cente, ng Manila Police Dis­trict-station 2, naganap ang insidente. Dakong alas-11:00 ng gabi sa Ipil St. Tondo, Maynila.

Nakatayo lamang ang bik­tima sa kalye at nalilibang sa mga batang nagpapa­putok nang biglang matumba at nakitang umaagos na ang dugo sa binti.

Sinaklolohan ng mga re­sidente ang nasabing biktima at isinugod sa pagamutan.

ACIRC ANG DAKONG ERNESTO MASQUITE INAALAM IPIL ST. TONDO JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER MANILA POLICE DIS MAYNILA ORESTE ALVAREZ EXT PAUL VI
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with