9 chop chop na truck natagpuan
Angie dela Cruz, (Pilipino Star Ngayon) - December 28, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Natagpuan ang siyam na elf truck kabilang dito ang  limang  chop-chop  na posibleng kinarnap sa Bulacan kahapon sa Taguig City.

Alas-8:00 kahapon ng umaga nang matagpuan ng operatiba ng Philippine National Police, Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang mga truck sa Brgy. Lower Bicutan ng naturang lungsod

Ayon kay Police Chief Insp. Rony Failoga, ng provincial officer ng HPG, na nakabase sa Bulacan, ang pagkakadiskubre ng naturang apat na buong  Elf truck at limang naman ang chop-chop ay sa pamamagitan aniya ng GPS.

May hinala ang pulisya, na ang mga nadiskubreng mga elf truck ay posibleng kinarnap ng grupo ng mga karnaper sa area ng Bulacan.

Isa-isa nang binubusisi ng pulisya ang chasis number ng  mga na-recover na  elf trucks  at bineberipika na rin kung ang mga ito ay karnap mula sa area ng Bulacan, Rizal at Southern Tagalog.

ANG AYON BULACAN HIGHWAY PATROL GROUP LOWER BICUTAN NBSP PHILIPPINE NATIONAL POLICE POLICE CHIEF INSP RONY FAILOGA SOUTHERN TAGALOG TAGUIG CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with