Lalaki todas sa resbak
Doris Franche-Borja (Pilipino Star Ngayon) - December 28, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Isang 34 anyos na lalaki ang patay matapos na resbakan ng kanyang mga nakaalitan kamakalawa ng gabi sa Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Cezar Celedonio, 34, may live-in partner, walang trabaho ng B10, Lot 51, ng nasabing lugar.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Erick Bautista, 29, street sweeper nakatira sa Gawad Kalinga sa Baseco Compound at isa pang di nakilalang lalaki na nagsilbing driver ng kanilang get away motorcycle.

Sa ulat ni SPO2 Richard Escarlan, imbestigador ng Manila Police District –Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-7:00 kagabi sa harap ng bahay ng biktima.

Lumilitaw sa imbestigasyon na dati na umanong may alitan ang biktima at suspek kung saan nasuntok ng huli ang una sa dibdib sa ‘di malamang kadahilanan.

Ginantihan naman ng biktima ng saksak ang suspek.

Posibleng hindi inakala ng biktima na reresbakan siya ng suspek kung saan itinaon ng huli na abala ang una sa pag-aayos ng ibebentang mga kalakal na bakal.

Sumulpot ang suspek at biglang binaril ang biktima at mabilis na sumakay sa hindi naplakahang motorsiklo.

Nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya para sa ikadarakip ng mga suspek.

 

ANG BASECO COMPOUND CEZAR CELEDONIO ERICK BAUTISTA GAWAD KALINGA GINANTIHAN HOMICIDE SECTION ISANG MANILA POLICE DISTRICT PORT AREA RICHARD ESCARLAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with