^

Metro

Palaboy pinagtripan, patay sa saksak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tuluyang binawian ng buhay sa pagamutan ang isang 50-anyos na palaboy nang pagtripang tarakan ng patalim ng dalawang beses sa dibdib ng ‘di kilalang salarin, sa Otis st., Paco, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala lamang sa pa­ngalang Toto Torres ang bik­tima na sa kalye lamang umano natutulog.

Sa ulat ni PO3 Dennis Turla ng Manila Police District-Homicide Section, alas-6:30 ng gabi nang madiskubreng duguan at nakahandusay ang biktima sa Otis St. na nangangamoy alak.

Agad dinala ng isang Andres Sta. Maria, security guard, ang biktima sa Philippine General Hospital (PGH) subalit bandang alas-8:30 ng gabi ay idineklarang patay matapos mabigo ang mga doctor na maisalba ang buhay nito.

Pinaniniwalaang may na­ngursunada lamang na saksakin ang biktima.

 

ACIRC

ANDRES STA

ANG

DENNIS TURLA

KINILALA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

OTIS

OTIS ST.

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

TOTO TORRES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with