Taxi driver kritikal sa holdap
Angie dela Cruz, (Pilipino Star Ngayon) - December 18, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Isang taxi driver ang sinaksak matapos itong pumalag sa panghohol­dap ng kanyang pasa­hero kahapon ng mada­ling araw sa Makati City.

Sugatan at ginagamot sa St. Luke’s Hospital, Bonifacio Global City (BGC) ang biktimang si Ronnie Sasota, 33, may asawa, taga #1712 Brockside Berkelly, Ca­inta, Rizal, nagtamo ito ng saksak sa katawan.

Nakakulong naman sa Makati City Police detention cell ang suspek na si Margarito Ortiz “alias Waway”, 36, nakatira sa #231 Tawi-Tawi St., Barangay Pitogo ng naturang lungsod.

Lumalabas sa pagsisiyasat ni PO3 Reynaldo Agustin, ng Theft and Robbery Section, Makati City Police, naganap ang insidente alas-2:40 kahapon ng madaling araw sa kahabaan ng Surigao St., Bgy. Pitogo ng natu­rang lungsod.

Pinapasada ng biktima ang taxi nito na may plakang UVT-970 at habang binabagtas nito ang naturang lugar ay bigla siyang pinara ng suspek.

Huminto ang biktima sa pag-aakalang pasahero ito at nang makasakay na ang suspek sabay na nagdeklara ito ng holdap nang tutukan nito ng patalim si Sasota.

Pumalag si Sasota at dito na siya inunda­yan ng saksak ni Ortiz­, mabuti na lamang na­mataan nang nagrorondang mga  tanod  at dito nilang na­kitang duguan ang naturang biktima.

Papatakas na sana ang suspek, subalit nasakote ito ng mga tanod at ang biktima naman ay dinala ng rescue team sa naturang ospital. Iniim­bestigahan pa ng pulisya ang naturang insidente.

ACIRC ANG BARANGAY PITOGO BONIFACIO GLOBAL CITY BROCKSIDE BERKELLY MAKATI CITY MAKATI CITY POLICE MARGARITO ORTIZ REYNALDO AGUSTIN RONNIE SASOTA SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with