Riot ng mga kabataan: Trike driver nadamay, napatay
Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - December 17, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Patay ang isang tricycle driver makaraang aksidenteng tamaan ng ligaw na bala mula sa mga nagrarambulang grupo ng mga kabataang lalaki sa lungsod Quezon, kamakalawa

Nakilala ang nasawi  na si George Ecal, 38, ng Seminary Road,  Brgy. Bahay Toro, ng nasabing lungsod.

Isinugod pa ito sa Quezon City Ge­neral Hospital (QCGH ) pero idineklara ding patay sanhi ng tinamong tama ng bala sa likod ng kanyang ulo.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation Detection Unit (CIDU) nangyari ang insidente  sa kahabaan ng Fema Road,  Brgy . Bahay Toro, dakong alas-6:30 ng umaga, Ayon sa isang Michael Mawirat, kasamahan ng biktima bago ang insidente dalawang grupo umano ng mga kabataan ang nakitang nag- riot sa nasabing lugar.

Ilang sandali pa, nakita na lamang umano ang biktima na duguang nakabulagta sa lugar dahilan para agad nila itong isugod sa nasabing ospital.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente.

ACIRC ANG AYON BAHAY TORO BRGY FEMA ROAD GEORGE ECAL MICHAEL MAWIRAT QUEZON CITY GE QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION DETECTION UNIT SEMINARY ROAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with