Foreman patay sa tumalsik na blade ng electric fan
Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - December 14, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines - Isang foreman sa cons­truction ang nasawi makaraang aksidenteng tamaan ng putol na blade ng kinukumpuni nitong electric fan sa isang gusali sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PO2 Alvin Qui­sumbing, ang biktima na si Ricardo Castillo, 46, ng  San Jose Del Monte Bulacan.

Ayon kay Quisumbing, ang biktima ay nagawa pang maitakbo ng kanyang kasamahan sa ospital, pero hindi na rin ito umabot pa ng buhay.

Nangyari ang insidente sa isang basketball court sa loob ng Corinthian Garden Subdivision, na matatagpuan sa Madrigal St., Brgy., Norte sa lungsod, ganap na alas-11 ng gabi.

Bago ito, ang biktima at kanyang mga kasama­han ay kasalukuyang nag­kukum­puni ng isang improvised electric fan sa lugar gamit ang isang cut-off blade. 

Habang nagkakabit, biglang nagmal-function ang electric fan at ang cut-off blade na ikinakabit ng grupo ng biktima ay biglang kumalas saka tumama sa dibdib ng huli.

Dahil dito, nagtamo ng matinding sugat ang biktima at isinugod ng kanyang kasamahan sa Medical City para magamot subalit idineklara din itong dead on arrival ganap na alas-12:17 ng madaling-araw.

Sabi ni Quisumbing, base sa pahayag ng doktor, nagtamo ng matinding hiwa sa dibdib ang biktima dahilan  ng kanyang kamatayan.

 

ACIRC ALVIN QUI ANG AYON BIKTIMA CORINTHIAN GARDEN SUBDIVISION MADRIGAL ST. MEDICAL CITY QUISUMBING RICARDO CASTILLO SAN JOSE DEL MONTE BULACAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with