^

Metro

Quezon City kaisa sa global war vs AIDS

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kaisa si Quezon City Ma­yor Herbert Bautista sa hanay ng mga local executives para sama-samang suportahan ang kampanya para mapigilan ang pagdami ng kaso ng AIDS.

Ito ay makaraang lagdaan ni Bautista ang isang Metro Manila Declaration na inorganisa ng Joint United Na-tions Programme on HIV/AIDS (UNAIDS) sa Ortigas kahapon.

Suportado ni Bautista ang adhikain na magtayo ng mga social hygiene clinics sa bansa at mapalaganap ang information dissemination hinggil sa HIV/AIDS prevention sa school level upang ma­kontrol ang paglaganap nito at mga sexually transmitted infections sa bansa laluna sa National Capital Region.

“The plan to establish more social hygiene clinics is aimed at reaching out to more individuals at risks of contracting sexually transmitted infections, especially those with exposures to male-to-male sexual beha-viors” dagdag ni Bautista.

Sa ngayon, ang lungsod Quezon ay may tatlong social hygiene clinics at dalawang sundown clinics na kinilala ng Department of Health (DOH) bilang top HIV testing facilities sa National Capital Region (NCR) para sa taong 2010 hanggang  2015. Isa dito ang  Klinika Bernardo ng QC govt. na unang sundown clinic sa bansa para sa mga kalalakihan.

“Quezon City has taken the initiative to meet with other municipal leaders from Metro Manila to sign the Metro Manila Declaration and get serious over ending AIDS,through the LCP, we can pool the cities in the NCR to adopt and develop strategies and initiatives to address the AIDS epidemic,” dagdag ni Bautista.

ACIRC

ANG

BAUTISTA

DEPARTMENT OF HEALTH

HERBERT BAUTISTA

JOINT UNITED NA

KLINIKA BERNARDO

METRO MANILA

METRO MANILA DECLARATION

NATIONAL CAPITAL REGION

QUEZON CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with