^

Metro

700 karagdagang MMDA, HPG magmamando sa trapik sa MM

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Karagdagang 700 tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Highway Patrol Group (HPG) ang ipapa­kalat sa ilang pangunahing lansangan ng Kalakhang Maynila lalu sa EDSA dahil na rin sa mas lumalang trapik.

Nabatid kahapon kay MMDA Traffic Discipline Office Director Atty. Crisanto Saruca, ang PNP Highway Patrol Group ay magtatalaga ng dagdag na 250 tauhan nito habang 450 namang tauhan mula sa  MMDA.

Tuwing holiday season ay tumataas sa 25 porsi­yento ang traffic volume dahil na rin sa dagsa ng mga sasakyan lumuluwas mula probinsiya­ para mamili sa Maynila.

Kasabay pa rin nito, sinabi ni Saruca  na kawalan pa rin ng disiplina ng mga motorista at pedestrians ang isa pa rin sa pinag-uugatan ng trapik sa kalsada.

Malaking tulong umano sa problema ng trapiko ang disiplina at pagsunod ng batas trapiko ng mga motorista at pedestrians.

vuukle comment

ACIRC

CRISANTO SARUCA

HIGHWAY PATROL GROUP

KALAKHANG MAYNILA

KARAGDAGANG

KASABAY

MALAKING

MAYNILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NABATID

TRAFFIC DISCIPLINE OFFICE DIRECTOR ATTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with