Tattoo artist, mekaniko nagbigti
Angie dela Cruz, (Pilipino Star Ngayon) - December 4, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Isang tattoo artist ang nagpatiwakal dahil umano sa depression, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Nakilala ang nasawi na si Alejandro Canete, 27 ng Ascano St, Zone 18, Brgy. 175 ng naturang lungsod.

Sa report na nakarating sa tanggapan ni Senior Supt. Joel B. Doria, hepe ng Pasay City Police, nagtungo ang mga awtoridad sa bahay ng pamilya Canete sa naturang lugar upang arestuhin ang nakababatang kapatid ni Alejandro na si Richard dahil inireklamo ito ng kanyang misis na tangka nitong sunugin ang kanilang bahay.

 Subalit, alas-6:50 ng gabi ay tumambad sa mga awtoridad ang nakabigting si Alejandro.

 Kaagad itong ibinaba at kinalag ang tali upang subukan pang dalhin sa pagamutan, subalit wala na itong buhay.

Matapos ang insidente ay saka nadakip ng mga pulis ang nakababatang kapatid ni Alejandro na si Richard.

Ang bangkay ni Alejandro ay nakalagak ngayon sa Rizal Funeral Homes at iniimbestigahan pa ng pulisya, kung nagkaroon ito ng depression na posibleng dahilan nang pagpapatiwa­kal nito.

Samantala, isa ring auto mechanic ang nagbigti dahil sa matinding selos sa kanyang misis kahapon ng madaling araw sa Makati City.

Nakilala ito na si Tobit Delmo, ng Scorpion St., Zone 13, Brgy. Southside ng na-turang lungsod.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Ronaldo Villaranda, ng Homicide Section, Makati City Police, alas-4:30 kahapon ng madaling-araw nang matagpuan ang biktima ng kanyang misis na si Jacqueline, na nakatali ang leeg nito at nakabigti sa loob ng kanilang kuwarto.

ALEJANDRO ALEJANDRO CANETE ANG ASCANO ST BRGY HOMICIDE SECTION JOEL B MAKATI CITY MAKATI CITY POLICE NAKILALA PASAY CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with