_ngayon
^

Sa panibagong ‘Oplan galugad’ mga kontrabando, nasamsam uli sa Bilibid

Angie dela Cruz, (Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Mistulang hindi maubos-ubos ang mga nakatagong kontrabando sa loob ng New Bilibid Prison maka­raang muli na namang ma­kasamsam ang mga kawani ng Bureau of Corrections (BuCor) sa ilang selda dito sa panibagong ‘Oplan Galugad’ na isinagawa sa na­banggit na piitan, kahapon ng umaga.

Nabatid na hinalughog ng raiding team ng BuCor ang mga selda sa Building 13 sa Maximum Security Compound ng NBP, na sinasabing balwarte ng ‘Genuine Ilokano’ at mga batang Cebu.

Sari-saring mga appliances, improvised shotgun, bala, pana, sima, communication gad­gets, signal boos­ters, entertainment, gam­bling items at mahigit sa daang bilang ng mga patalim ang nasabat.

Nasa anim na beses na nagsagawa ng Oplan Galugad ang mga raiding team ng BuCor sa nakaraang buwan ng Nobyembre.

ACIRC BUREAU OF CORRECTIONS CEBU GENUINE ILOKANO MAXIMUM SECURITY COMPOUND MGA MISTULANG NABATID NEW BILIBID PRISON NOBYEMBRE OPLAN GALUGAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with