^

‘Snatcher’ tigok, tumakas, tumalon sa ilog, lunod

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - November 23, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Tigok ang isang lalaki na sinasabing snatcher nang tumalon sa ilog at malunod, sa pagtatangkang takasan ang mga bystander na humahabol sa kanya matapos siyang mambiktima sa Brgy. Rosario, Pasig City kamakalawa ng gabi.

Inilarawan ni Pasig City Police chief P/Senior Supt. Jose Hidalgo ang nasawi na nasa pagitan ng 40 hanggang 50-anyos, may taas na 5’2”, at may tribal tattoo sa kaliwang braso.
Isinugod pa sa Pasig General Hospital ang lalaki ngunit patay na ito bago pa man makarating sa pagamutan  dahil sa pagkalunod.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na dakong alas-6:00 ng gabi nang maganap ang insidente malapit sa Westbank Floodway,  Jenny Avenue, Barangay Rosario.

Sinasabing nakitang nambiktima ang lalaki sa lugar kaya’t kaagad itong hinabol ng mga bystander. Sa pagtatangka namang makatakas mula sa mga humahabol sa kanya ay tumalon sa ilog Pasig ang lalaki ngunit minalas na malunod.

May isang oras pa ang nakalipas bago naiahon ng mga tauhan ng Barangay Rosario emergency response team ang bangkay ng lalaki.

ANG BARANGAY ROSARIO BRGY INILARAWAN JENNY AVENUE JOSE HIDALGO PASIG CITY PASIG CITY POLICE PASIG GENERAL HOSPITAL SENIOR SUPT WESTBANK FLOODWAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with