^

Pintor, patay sa kainuman

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Patay ang isang pintor nang saksakin ng kanyang kainuman matapos umanong magkasagutan ang mga ito sa Brgy. Rosario, Pasig City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Pasig City General Hospital ang biktimang si  Cornelio Laroscani, 36, at residente ng Brgy. Rosario, Pasig City, bunsod nang tinamong mga saksak ng
patalim sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Isang  Johnny  Segun  naman  ang  itinuturong  suspek  sa  krimen  at pinag­hahanap na ng mga awtoridad matapos na tumakas nang
maisagawa ang krimen. Batay sa ulat ng Pasig City Police, dakong 9:30 ng gabi nang maganap ang krimen
sa Ortigas Extension sa Brgy. Rosario.

Sinasabing nag-iinuman lamang ang dalawa nang mauwi sa pagtatalo ang masayang usapan nila. Dito na bumunot ng patalim si Segun at tinarakan ang biktima bago
tumakas.

ACIRC ANG BATAY BRGY CORNELIO LAROSCANI NBSP ORTIGAS EXTENSION PASIG CITY PASIG CITY GENERAL HOSPITAL PASIG CITY POLICE SEGUN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with