Sekyu nagbaril sa sarili
Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - November 20, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Nagpakamatay sa pa­mamagitan nang pagbaril sa sarili ang isang securi­ty guard  sa loob ng isang ban­yo ng isang gas station sa lungsod Quezon kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Inves-tigation and Detection Unit, ang biktima ay nakilalang si Judy Boy Picaso, 27 ng Sar­miento compound, Brgy. Pasong Tamo sa lungsod.

Ayon kay SPO4 Rafael de Peralta ng QCPD-CIDU, ang biktima ay nadiskubre lamang ng gasoline boy na si Bong Samsona sa loob ng comfort room ng gasolinahan na matatagpuan sa kanto ng Congressional Avenue, at Visayas Avenue, ganap na alas -2 ng madaling-araw.

Base sa imbestigasyon ni PO3 Rhic Roldan Pittong, may-hawak ng kaso, gagamit sana ng palikuran si Samsona nang pagbukas nito ng pinto ay bumulaga sa kanyang harapan ang walang buhay at duguang katawan ni Picaso.

Agad na ipinagbigay alam ni Samsona ang insidente sa barangay na siya namang tumawag ng awtoridad para sa pagsisiyasat.

Sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) narekober sa tabi ng biktima ang isang armscor shotgun na may isang bala at isang basyo nito, ga-yundin ang limang tingga nito

Pinalalagay din ng imbestigador na nagbaril ang biktima sa pamamagitan ng pagsubo sa baril saka ipinutok dahil halos sumabog anya ang likurang bahagi ng ulo nito.

Sinasabing nagpaka­ma­tay ang biktima dahil sa di­namdam nitong labis, ang ginawang pag-iwan sa kanya ng kanyang kinakasama, bagay na siyang iniimbestigahan ngayon ng pulisya.

ACIRC ANG BONG SAMSONA CONGRESSIONAL AVENUE DETECTION UNIT JUDY BOY PICASO PASONG TAMO QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVES RHIC ROLDAN PITTONG SAMSONA SCENE OF THE CRIME OPERATIVES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with