^

Kelot utas sa dating ka-live-in

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 18, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki makaraang dalawang beses na saksakin ng dati nitong karelasyon sa gitna ng kanilang pagtatalo, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Nakilala ang nasawi na si Alejandro Calza, Jr., 25, residente ng Phase 9 Package 6 Block 68 Lot 27 Brgy. 176 Bagong Silang, ng naturang lungsod.

Pinaghahanap naman ngayon ang nakatakas na suspek na si Glenda Villanueva-Domingo, 33, residente rin ng naturang lugar.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na nagtatalo sa hindi pa mabatid na dahilan sina Calza at Domingo dakong alas-4 ng hapon sa loob ng kanilang bahay.

Sa kainitan ng pagtatalo, nakakuha ng patalim ang babae at dalawang beses na tinarakan sa katawan si Calza saka mabilis na tumakas. Agad namang naisugod ang biktima sa Dr. Jose Rodriguez Hospital ngunit hindi na umabot ng buhay.

ALEJANDRO CALZA BAGONG SILANG BRGY CALOOCAN CITY CALZA DOMINGO DR. JOSE RODRIGUEZ HOSPITAL GLENDA VILLANUEVA-DOMINGO NAKILALA PATAY PINAGHAHANAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with