Barangay coordination kailangan sa police operation
Doris Franche-Borja (Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Kailangan muna ang koordinasyon sa barangay bago isagawa ang anumang police operations.

Ito naman ang napagkasunduan ng  konseho ng Maynila at si Manila Mayor Joseph Estrada matapos na maipasa ang Ordinance No. 8437 kung saan kinakailangan na may koordinasyon muna ang sinumang law enforcement agency bago magsagawa ng police operation sa anumang lugar sa  lungsod.

Bagama’t may ipinatupad nang ordinansa sa ilalim ng  Ordinance No. 8163, ang Ordinance No. 8437 ay mas magpapatupad ng mahigpit pa na sistema para sa pre- at post-operations, kung saan kailangan na kilala ang law enforcement agencies.

Nabatid na ang Principal authors  ng Ordinance 8437 ay sina Councilors Bernardito C. Ang, Marlon Lacson, John Marvin Nieto, Ernesto Dionisio Jr. at Edward Maceda kung saan pinangunahan ni Councilor Rolando Valeriano na nagsilbing presiding officer.

Paliwanag ni Ang, layon ng ordinansa na matukoy ang lehitimo sa bogus na police operations at maiwasan na mabiktima ang mga inosenteng sibilyan at maging ang mga negosyante .

Sinabi ni Ang na kadalasang ginagamit ng mga nagpapanggap na law enforcers ang  search warrants, warrants of arrest, summons o mission orders upang makapang- harass at makapagsamantala sa mga inosenteng sibilyan.

Sakop ng ordinansa ang Manila Police District, Criminal Investigation and Detection Group, and agents of the National  Bureau of Investigation, Special Action Force, Department of Justice, Bureau  of Internal Revenue, Bureau of Immigration, Bureau of Customs at ibang ahensiya ng kapulisan.

Sakaling warrantless arrest, kailangan pa rin ang due process sa pagsisilbi ng implementasyon nito.

Papatawan ng P5,000 at pagkakakulong ng walong buwan ang sinumang lalabag sa ordinansa.

ANG BUREAU OF CUSTOMS BUREAU OF IMMIGRATION BUREAU OF INVESTIGATION COUNCILOR ROLANDO VALERIANO COUNCILORS BERNARDITO C CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP DEPARTMENT OF JUSTICE EDWARD MACEDA NBSP ORDINANCE NO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with