^

QC X, binuksan na sa publiko

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Pormal nang binuksan noong Lunes ng gabi nina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte ang Quezon City- Experience Museum sa loob ng QC Circle na libre nang mapupuntahan ng publiko ngayong buwan ng Nobyembre.

Ang QC X ay ikatlong museum na naitayo sa lunsod. Ito ay nagpapakita ng mga pangyayari at kaganapan sa QC sa mga nagdaang panahon at sa kasalukuyan.

“Ito ay kakaiba sa ibang museo at maipagmamalaki ng mga taga- QC at dito makikita ang diwa at kasaysayan ng lungsod”, pahayag ni Belmonte.

“Ang museum na ito ay pangarap ni dating Pangulong Manuel Quezon na tinupad namin ng tatay ko (Speaker Sonny Belmonte) at ni Mayor Bistek na bilang isang premiere city ay kailangan nating maipamalas ang yaman ng kasaysayan ng lungsod”, dagdag pa ng bise-alkalde.

Makikita rin sa QC X museum ang  16 na gallery tulad ng pylon na nagtatampok sa QC Circle na napapalibutan ng mga tanggapan ng gobyerno at mga lansangan na may ibat-ibang Direksiyon, mayroon ding gallery na Quezon on a Hill, Malacanang, War Gallery, monuments, housing gallery, street scene, business,entertainment,visions,barangay,outdoor sculpture at gallery of expressions.

Kaugnay nito, sinabi ni Mayor Bautista na makaraan ang isang taon ay isasailalim na ang naturang museum sa Public Private Partnership (PPP) na sa tingin nilay higit na mapapagyaman at mapapangalagaan ang naturang museo.

Anya mahigit sa P100 milyon ang halaga ng nagastos sa laman pa lamang ng ibat -ibang mga galleries hindi pa kasama ang straktura nito. Sa susunod na buwan ng Disyembre anya ay sisimulan na ang pagkolekta ng bayad sa mga nais magtungo sa museo sa halagang P100.00 sa mga taga -QC, P80 sa mga mag-aaral at elderly at P150.00 naman sa mga residente ng labas ng QC.

Hindi naman anya income generating ang naturang museo, pero ang malilikom na kita ay ilalaang pandagdag sa maintenance ng QC X museum.

Bukas ang naturang museum sa grupo ng mga mag-aaral, mga nag oopisina at iba pa.

Ang pagbubukas ng naturang museo ay dinaluhan ni Bicol Rep Leni Robredo, na residente ng QC. Sinabi nitong nais niyang anyayahan si Vice Mayor Belmonte na ngayoy tourism csar ng QC  upang makapaglagay ng isang simpleng museo sa kanilang lalawigan para sa kanyang namayapang asawang si dating DILG Secretary Robredo.

ANG BICOL REP LENI ROBREDO EXPERIENCE MUSEUM ITO MAYOR BAUTISTA MAYOR BISTEK MGA MUSEUM PANGULONG MANUEL QUEZON PUBLIC PRIVATE PARTNERSHIP QUEZON CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with