^

Quezon City traffic enforcer binoga sa ulo, patay

Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Patay ang isang traffic enforcer ng Quezon City hall na kasama sa nagsasagawa ng clearing operations sa Mabuhay lane   makaraang barilin sa ulo ng isang security guard na nagalit dahil sa paniniket ng una sa kanyang motorsiklo na nahuling iligal na nakaparada sa kalyeng sakop ng operasyon sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.

Sa inisyal na impormasyong ibinigay ni SPO3 Alex Ada ng Quezon City Police District Station 2. nakilala ang biktima na si Enrique Fresnido, 60, traffic enforcer ng Department of Public Order and Safety (DPOS) ng city hall.

Agad din namang nadakip ang suspect na nakilalang si Alex Batacan, 39, ng Sauyo Road, Brgy. Sauyo,  Novaliches sa lungsod.

Sa inisyal na ulat ng PS-2, nangyari ang insidente sa harap ng Paramount Bldg., na matatagpuan sa West Avenue, kanto ng EDSA, Brgy. Philam, ganap na alas- 7:35 ng umaga.

Sinasabing nagsasagawa ng clearing operation sa Mabuhay lane sa nasabing lugar ang tropa ng Highway Patrol Group (HPG), MMDA, barangay Philam at DPOS kasama si Fresnido laban sa mga iligal  na nakaparadang mga sasakyan nang matiyempuhan nila ang motorsiklo ng suspect na iligal na nakaparada sa harap ng tinatanuran nitong banko.

Sinabi ng ilang kasamahan ng biktima, dahil  iligal ang pagkakaparada ng motorsiklo ay nagpasya silang kunin sana ito, pero pinigilan sila ng suspect.

Dahil dito, nagpasya umano na si Fresnido na tiketan na lang ang suspect, pero sa halip na pumayag ay lalong nagalit ang huli sa biktima dahilan para mauwi ito sa kanilang pagtatalo.

Gayunman, agad naman umanong napayapa ang da­lawa, pero sa pag-aakalang tapos na ang problema ay nagulat na lang ang mga ope­ratiba nang lumabas umano ang suspect ng banko na may bitbit na kalibre .38 baril saka pinaputukan ang biktima sa ulo.

Sa tindi ng tama ay du­guang  bumuwal sa kalye ang biktima kung saan mabilis naman itong sinaklolohan ng kanyang mga kasamahan at isinugod sa QC General Hospital para malapatan ng lunas, subalit makalipas ang alas 10:35 ng umaga ay idineklara din itong patay.

Habang ang suspect naman ay agad ding nadakip ng mga tropa ng DPOS at dinala sa himpilan ng PS-2 kung saan ito nakapiit para sa pagsisiyasat.

ACIRC ALEX ADA ALEX BATACAN ANG BRGY DEPARTMENT OF PUBLIC ORDER AND SAFETY ENRIQUE FRESNIDO FRESNIDO GENERAL HOSPITAL HIGHWAY PATROL GROUP MABUHAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with