_ngayon
^

Metro

Lola nasugatan sa aberya ng MRT-3

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang matandang babae ang nasugatan matapos ang panibagong aberya sa isang tren ng Metro Rail Transit (MRT-3) kahapon ng umaga.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3 kaagad na isi­nu­god sa pagamutan ang matanda na hindi na tinukoy ang pa­ngalan upang malapatan ng lunas.

Sinasabing, bigla na la­mang huminto ang tren na sinasakyan ng biktima habang bumibiyahe pasado alas-7:00 ng umaga sanhi upang mawalan ng balanse, matumba at masugatan ang biktima.

Nang imbestigahan, natukoy na biglang na-activate ang preno ng tren dahil sa
faulty automatic train pro­tection feature.

Nilinaw naman ng MRT-3 na nasa maayos na ang kondisyon ngayon ng biktima na nagtamo lamang ng kaunting sugat at galos sa katawan.

Ang MRT-3 ay bumibi­yahe sa kahabaan ng Edsa sa Quezon City patungo ng Edsa sa Taft Ave., Pasay City at vice versa.

ACIRC ANG AYON EDSA ISANG METRO RAIL TRANSIT NANG NBSP PASAY CITY QUEZON CITY TAFT AVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with