_ngayon
^

Real estate agent sugatan sa ambush

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - November 1, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Isang ginang na real estate agent at kaibigan nitong lalaki ang sugatan matapos na pagbabarilin habang nag-uusap sa tapat ng isang conveniece store sa Mandaluyong City kamakalawa ng gabi.

Agad na isinugod sa Mandaluyong City Medical Center sina Thelma Dapitan, 53, may asawa na nakatira sa Malvar, Batangas at Jose Crame Jr. 57, self employee ng Sta. Ana, Manila.

Nabatid na dakong alas-9:30 ng gabi ng naganap ang insidente sa tapat ng Mini stop store sa Barangka Drive, Brgy. Plainview, Mandaluyong City.

Ayon sa report, nag-uusap ang dalawang biktima nang huminto sa kanilang harapan ang isang motorsiklo na sakay ang dalawang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril sila at saka mabilis na tumakas.

Isinugod naman sa hospital ang mga biktima kung saan si Crame ay tinamaan ng bala ng kalibre 45 baril sa dibdib habang si Dapitan ay tinamaan sa balikat.

Nagsasagawa pa ng follow up operation ang mga awtoridad para matukoy ang motibo ng pamamaril at madakip ang mga suspek.

ANG AYON BATANGAS BRGY CRAME DAPITAN ISANG JOSE CRAME JR. MANDALUYONG CITY MANDALUYONG CITY MEDICAL CENTER THELMA DAPITAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with