^

Humanitarian mission sa mga sinalanta ng kalamidad, binuo ng Quezon City

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 31, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Binuo ng Quezon City government ang 200-man humanitarian mission upang magbigay ng ayuda sa tatlong bayan na nasalanta ng bagyong Lando sa mga lalawigan ng Aurora, Nueva Vizcaya at Bulacan na na-adopt ng lokal na pamahalaan .

Ang QC mission ay inorganisa ng City Disaster Risk Reduction and Management Council ay tutulak sa Baler, Aurora; Bambang, Nueva Vizcaya at San Miguel, Bulacan para magbigay ng tulong sa mga apektadong pamilya doon, tulad ng gamot, ready-to-eat food, generator sets at construction tools at mga materyales.

Ayon kay DRRMC action officer Elmo San Diego, ang city’s humanitarian mission ay magkakaloob din ng technical assis-tance para sa pagpapanumbalik sa ilang gusali ng pamahalaan na sinalanta ng bagyong Lando gaya ng health centers, mga paaralan at barangay halls.       

Sinabi ni San Diego na ang QC government ay planong magbigay ng P50 milyong halaga ng ayuda  sa bawat lungsod na kanilang ina-dopt. 

Bago magtungo sa mga sinalantang lugar ang humanitarian mission ng QC ay nagsagawa muna ng assessment doon  ang mga tauhan ng QC hall para matiyak ang mga kailangang ayuda na maipagkakaloob sa mga biktima ng bagyo.

 Bukod dito, tutulungan din ng QC government ang mga lokal na pamahalaan ng Tolosa, Palompon at Sta. Fe sa Leyte na nasalanta naman ng bagyong Yolanda noong 2013.

ANG BULACAN CITY DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL ELMO SAN DIEGO LANDO MGA NBSP NUEVA VIZCAYA QUEZON CITY SAN DIEGO SAN MIGUEL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with