Ginang nagbigti gamit ang garter ng underwear
Angie dela Cruz, (Pilipino Star Ngayon) - October 26, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Garter ng underwear ang ginamit ng isang ginang sa kanyang pagbibigti kahapon sa Pasay City. Nakilala ang nasawi na si Rosalyn Escorial, 40, single parent, ng Leveriza St., Brgy. 21, Zone 2 ng nasabing lungsod.

Sa inisyal na ulat ni Senior Supt. Joel Doria, hepe ng Pasay City Police, alas-10:21 ng umaga nang matagpuan ang biktima mismo sa loob ng bahay nito sa ikalawang palapag ng naturang lugar ng kanyang kapitbahay na si Evelyn Parame, 35.

Nabatid na nagtext ang boyfriend ng biktima kay Pa­rame na hindi na binanggit ang pangalan na tingnan ito sa loob ng kanyang bahay dahil ilang araw na niya itong hindi nakikita. Nang puntahan ito ni Parame ay doon natuklasan ang nakabigting ginang.

Masusing iniimbestigahan pa ng pulisya ang dahilan nang pagpapatiwakal ng biktima, subalit isa sa kanilang mga teyorya posibleng nagkaroon ito ng depression.

 

ACIRC ANG BRGY EVELYN PARAME JOEL DORIA LEVERIZA ST. MASUSING PASAY CITY PASAY CITY POLICE ROSALYN ESCORIAL SENIOR SUPT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with