Killer ng ex-Masbate mayor, todas sa loob ng Bilibid

Angie dela Cruz, (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Patay ang isang preso na sangkot sa pagpaslang sa dating alkalde ng Masbate matapos itong pagbabarilin at paluin sa ulo ng kan­yang kakosa sa loob ng Maximum Security Compound­ ng New Bilibid Prison (NBP), Muntinlupa City kama­­­kalawa.

Dead-on-arrival sa NBP Hospital ang biktimang si Charlie Quidato, miyembro ng Commando Gang at nakapiit   sa Dorm 9, D-2, ng Maximum Security Compound sanhi ng tinamong dalawang tama ng bala sa dibdib buhat sa Magnum 357 at matinding palo sa ulo. Ang naturang biktima ay dating Masbate Jail Warden, na nahatulan sa kasong murder matapos itong masangkot sa pagpatay kay dating Masbate Mayor Moises Espinosa.

Inilagay na sa bartolina o isolation area ang suspek na si Ronald Catapang,  kasamahan ni Quidato sa Commando Gang at may kaso ring  murder. Ayon kay Monsignor Roberto Olaguer, tagapagsalita ng NBP, naganap ang
insidente alas-5:20 ng hapon sa loob ng Dorm 9 D-2 ng Ma­ximum Security Compound ng bilangguan.

Bago naganap ang pamamaril, inutusan umano ni Quidato si Catapang na batuhin ng granada ang mga preso na nagmi-meeting na pawang mga
miyembro din ng Commando­ Gang, na malapit lang sa ka­nilang selda. Tumanggi at hindi sumunod  si Catapang  sa utos ni Quidato hanggang sa nagtalo ang dalawa na nauwi sa mainitang komprontasyon.

Dito na umano dumampot­  ng kahoy ang suspek at pi­nalo sa ulo ang biktima hang­­gang sa nawalan ito ng malay.

Hindi pa umano nasi­yahan si Catapang sa pagpalo sa ulo ni Quidato, kinuha pa nito ang isang Magnum 357 at pinaputukan ng dalawang beses
si Quidato na duguan itong bumulagta.

Matapos ang insidente­ ay agad na lumabas ng Dorm 9 si Catapang na naglakad patu­ngo sa tanggapan ng Security Respond Unit (SRU). Subalit pagdating nito sa SRU office, sinabi nitong isusuko niya  ang isang baril ngunit wala naman itong dalang baril kundi isang improvised deadly weapon ang kanyang bitbit.

Habang nasa loob ng SRU office si Catapang isang preso na kasamahan nila ang nagsabi na binaril at pinatay nito si Quidato sa loob ng kanilang bilangguan.

Kaagad namang nagsa­gawa ng search operation ang mga tauhan ng NBP sa loob ng kulungan ni Quidato, na kung saan nakumpiska ang 16 na iba’t-ibang uri ng baril kabilang ang dalawang 9mm pistol, 22 kalibre, 11 improvised deadly wea­pons, 3 balisong, isang gra­nada at isang yellow pad na may listahan ng droga.

Bukod pa dito hinalughog  din ng mga prison guard  ang silid ni Quidato na kung saan isang vault ang kanilang nakita na naglalaman ng 11 makakapal na kuwintas, 7 pirasong gold na singsing at 4 bank passbook.

Base sa rekord ng NBP, si Quidato ay kabilang sa limang  akusado, na nahatulan ng ha­bambuhay na pagkabilanggo sa Manila Regional Trial Court sa pamumuno ni Judge Rosalyn Mislos-Loja, ng Branch 41 noong Abril 26, 2012 hinggil sa kasong pagpatay kay  Espinosa noong Agosto 9, 2001 sa Barangay Bantique, Masbate. Naaresto si Quidato­ noong Agosto 2011 kasama ang kanyang kapatid na si Isagani na dating jail officer at apat pa sa kanilang lalawigan.

ACIRC AGOSTO ANG BARANGAY BANTIQUE CATAPANG COMMANDO GANG ISANG MAXIMUM SECURITY COMPOUND NBSP QUIDATO SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with