^

Metro

Bus company, pinagmumulta ng P1-M, kinansela pa ang operasyon

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinagmumulta ng isang milyong piso at kinansela na rin ng Land Transportation Franchising and Regu­latory Board (LTFRB) ang prangkisa ng Everlasting Transport company dahil sa paglabag sa Joint Administrative Order-1 ng DOTC dahil sa operasyong out of line ng naturang bus company.

Ito ang nakasaad sa  nilagdaang desisyon ng LTFRB  board  hinggil sa naisampang reklamo sa ahensiya ng G.V Florida Transport Inc. laban sa Ever­­lasting Transport Com­pany na pag-aari ng isang Made­lene Guillermo.

Sa reklamo ng Florida Transport, out-of-line o hindi dapat pasukin ng mga bus ng Everlasting Trans­port Company ang kanilang ruta dahil ang franchise 2009-0831 ng Everlasting ay may ruta lamang na Santiago-Isabela –Balintawak, QC. Sinasa­bing nabiyahe ang Everlasting Transport Co. sa ruta ng Florida na Cagayan Valley- Manila.

Ayon sa Florida, mula taong 2011 hanggang sa kasalukuyan, ang Everlas­ting ay rumuruta sa Cagayan-Sampaloc Manila-Cubao Fairview route na hindi nito ruta dahilan para sila ay malugi.

Sinasabing naiprisinta ng Florida Transport sa LTFRB ang mga ebidensiyang ticket ng Everlasting Transport Company mula sa mga pasahero nito na ginamit sa ilegal na operasyon.

Bukod sa multa at kanselasyon sa operasyon ng Everlasting Transport Company, inutos din ng LTFRB board kay Guil­lermo na i-turn over sa ahensiya ang lahat ng license plate ng mga bus na apektado ng direktiba ng naturang ahensiya.

Inirekomenda din ng LTFRB board sa Land Transportation Office (LTO) Metro Manila Development Authority (MMDA) at PNP Highway patrol Group na hulihin ang bus unit ng Ever­lasting Transport Company na apektado ng naturang order.

Hindi naman pinarusahan ng LTFRB ang Universal Guiding Star Bus Line Inc. at  Guardian Angel Bus Company  na naireklamo din ng Florida transport na out of line din dahil sa pagpasok sa Maynila mula Cagayan route dahil sa kawalan ng ebidensya para dito.

ACIRC

ANG

CAGAYAN VALLEY

CAGAYAN-SAMPALOC MANILA-CUBAO FAIRVIEW

COMPANY

EVERLASTING TRANS

EVERLASTING TRANSPORT

EVERLASTING TRANSPORT COMPANY

FLORIDA TRANSPORT

SHY

TRANSPORT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user