_ngayon
^

Tanod niratrat habang naka-duty, dedo

Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Ìsang barangay tanod ang natagpuan na lang ng kasamahang walang buhay habang tadtad ng tama ng bala sa isang bangketa sa lungsod Quezon kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng pulisya, ang biktimang si Roberto Fer­nandez, 37, miyembro ng Brgy. Public Safety Office (BPSO) at residente sa #14 Katarungan St. Brgy. Batasan Hills sa lungsod.

Blangko naman si PO1 Marlon dela Vega, imbestigador sa kaso sa pagkakakilanlan ng salarin dahil itinawag lamang anya ang insidente at walang nakakita sa pamama­ril.

Nangyari ang insi­dente sa may kahabaan ng Congressional Ave. Brgy. Batasan hills, ganap na alas 2 ng madaling araw.

Bago ito, sinasabing nagpapatrulya ang mga tanod sa pangunguna ni Gil Palma nang lapitan sila ng isang residente at ipaalam na may nakita silang lalaki na duguan nakasalampak sa bangketa sa nasabing lugar.

Sinasabing kasama ng mga tanod ang biktima na naka-duty  kaya’y nagtataka rin sila kung papaano ito nabaril

Gayunman, nagawa pa nilang itakbo ang biktima sa East Avenue Medical Cen­ter pero idineklara rin itong dead-on-arrval dahil sa mga tama ng bala sa kanyang katawan.

 

ACIRC ANG ATILDE BATASAN HILLS BRGY CONGRESSIONAL AVE EAST AVENUE MEDICAL CEN GIL PALMA KATARUNGAN ST. BRGY PUBLIC SAFETY OFFICE ROBERTO FER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with