^

Metro

Bistek nag-file ng COC, last term sa pagka-mayor

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines –  Pormal nang nagsampa kahapon ng kanyang certificate of candidacy (COC) si Quezon City Ma­yor  Herbert “Bistek” Bautista para sa kanyang ikatlo at last  term na posisyon para sa pagka-alkalde ng QC.

Si Bautista ay sinamahan ni QC Vice Mayor Joy Belmonte at mga kasamang konsehal at supporters sa lunsod. Nauna nang nag-file ng kanyang COC si Belmonte noong Miyerkules.

Sa kanyang panig, sinabi ni Bautista na itutuloy ang mga napasimulang programa na nagbigay ng pagsigla ng ekonomiya ng QC. Gayundin ay patuloy na ipatutupad ang paglalaan ng pabahay sa mga mahihirap na taga lunsod at mga nakatira sa mga tinaguriang danger zones.

Makaraan ang pag-file ng COC ay agad namang bumalik sa kanyang trabaho si Bistek habang nagsisigawan ang kanyang mga supporters mula Comelec QC hall compound papuntang opisina sa QC hall.

ACIRC

BAUTISTA

BELMONTE

BISTEK

COMELEC

GAYUNDIN

KANYANG

MAKARAAN

QUEZON CITY MA

SI BAUTISTA

VICE MAYOR JOY BELMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with